Sunday, October 2, 2016

LAST WEEK OF OJT. 


Sept. 26, MONDAY. Dahil monday, Flag Ceremony again.. LATE ako. Last Flag Ceremony, Late ako. huhu. today, last day ko na ng pag ojt dahil sa araw na ito natapos ko na yunng 486 hrs ko pero yung mga kasama ko hindi pa dahil may mga absent so sasabayan ko muna sila so papasok pa ako bukas at sa susunod na araw. Dahil Presentation na namin bukas, nag ayos na kami ng system buong maghapon...  yun lang naman ang ginawa namin maghapon.


TUESDAY. Sept. 27. THIS IS IT. TODAY IS THE DAY. Client presentation na namin ngayon so medyo pressure na kami. sa umaga, naghihintay lang kami na tumaas sa office namin si sir so buti at hindi naman agad tumaas. bandang 10:30 dumating si sir at inabot samin ang balita na by after lunch daw kami maga present. so yun. nag lunch na muna kami sa labas. then before mag 1 bumalik na kami sa office. mga 1:15pm biglaang tumaas na yung isang taga ICT rin.. pinapa set up na samin yung projector dahil mag prepresent na kami. so yun... inayos na rin namin yung evaluation sheets.... nag set up na kami at nag ready na sa room. so, yun. tumaas na si sir namin. yung head ng ICT nila. then nag call pa ng mga from Supply office. 2 supply officer din yung andon. so nag present na kami. Okay naman sakanila yung nagawa namin at mukhang gusto talaga implement yung system so talaga pinupush nila ipatapos dahil malaking tulong daw ito sa supply office. so after the presentation, nag snack rin kami.. then tumagal ng 2 hours din yung presentation namin... so after nun, nakapaghinga rin naman kami ng maayos



WEDNESDAY. SEPT 28. LAST DAY OF OJT.
Dahil last day namin. sa umaga, merong Earthquake drill so active kami sa pag drill dahil may taga BFP na naga evaluate... so by 9pm tumunog na yung bell then nag duck, cover and hold na kami then after 1min lumabas na kami ng office.  after the drill... merong pa snack so deretso kaming lahat sa canteen. Then buong maghapon, picture picture at nag video lang kami dahil last day na ng OJT.
last 2ND WEEK of OJT..

MONDAY. Sept. 19, LATE AGAIN. late na sa flag ceremonies, late pa sa biometrics.... so Dumating ako sa office ng 8:05 am so late na talaga ako ng 5 mins dahil walang grace period kapag Monday. after the ceremonies, dumeretso kami sa canteen para mag breakfast... then balik kami ng office. medyo wala naman kaming pinagkabusyhan bukod sa system namin at inayos namin ito.

Tuesday, hindi ako late...  nag ayos at nag code lang kami buong maghapon at wala naman masyadong ginawa....

Wednesday, sinabihan kami ni Sir Rene na may meeting daw dito sa room namin sa Friday at mga accountant at budget officer ng divisions so NAGLINIS kami kasama ng mga JANITOR, then saka a kami nag program.

BY THURSDAY, hindi kami nagkalat masyado sa office dahil kailangan  ma maintain yung kalinisin dahil kinbukasan merong meeting na magaganap.

by FRIDAY, sa Gilid lang kami ng office pumwesto at siksikan kami. madaming tao sa office at napaka init. buti nalang may catering pala yung meeting so napasabay kami sa FOODS so meron kaming snack, Lunch, Snack again. nagpakabusog kami.

LAST 3rd week of OJT. 


Monday. Sept. 12. LATE na LATE! well, I woke up late so as well as in the office. Dahil Monday, merong flag ceremony, pagpasok ko, Patapos na anng ceremonies dahil nakapag in ako ng 8:09am. wala pating grace period kapag monday so late na talaga...  then, nag code kami buong maghaponi dahil malapit na yung deadline namin sa system na thursday.

Tuesday, seryosong seryoso kami sa kaka code... inayos namin lahat na may mga bugs pa at buong maghapon ganun lang ang ginawa namin.

Wednesday, wala naman masyadong ginawa pero nag ayos na kami ng system at inayos ang mga links. Tumass samin si sir at tinanong kami kung kung ready na kami bukas para ipakita sakanya yung system pero sabi namin hindi pa so binigyan kami hanggang friday.

Thursday, ABSENT kami whole day dahil nag atten kami ng university wide seminar on Jobs180 na required lahat ng graduating students.

Friday. This is it. By morning, may mga kulang pa ng onti yung system namin pero pinakita na namin sa kay sir dito sa DepEd yung System. medyo okay na rin sakanya dahil nagagawa na yung whole process ng system based sa data gathering and actual manual process. So yung mga kulang pa namin, gagawin namin pa dahil sabi namin 2week sa kami so may time pa para gawin at maayos ang system. so by 4:50pm flag retreat na kami and nag out na ng 5pm

1 2 t h   W E E K   o f   O J T 


 A n o t h e r   F u l l   week ahead! 

Sept 5- 9.

Sept 5. MY BIRTHDAY! TEACHER'S DAY CELEBRATION. BONGGA! So, dahil monday, may Flag Ceremony. After nun, Meron akong Pamisa dahil Birthday ko. hahaha. Joke lang. Meron Program Dahil Teachers day din naman. so NagSimba na ako. Then after nun may motorcade daw pero hindi na kami sumama dahil motor lang naman meron kami... mainit much so wag nalang. hahaha. Then May Snack sa Morning. Sa Lunch Libre nanaman dahil nga may Event. sa Hapon May Snack nanaman. Busog lusog

kaming lahat ngayong araw...

TUESDAY, Another day. medyo wala naman kaganapan na importante, as usual, wala naman kami ginawang trabaho....

WEDNESDAY, inayos na namin ang system namin... nag code kami sa system namin... buong hapon, inayos at nag code lang kami...

THURSDAY,  Nag code ulit kami.. dahil next week, deadline na namin at hinihingi na ng client namin yung system kahit isang module lang muna which is inventory system. So hindi namin namalayan yung oras at mukhang mabilis lang dahil nag code lang kami maghapon...

By FRIDAY, Nag code lang ulit kami, sobrang dami pa namin kailangang gawin at humahabol kami sa oras para ma ayos at maging usable ang system...

11th WEEK of OJT

3 Days in a Week AGAIN.

Monday Aug. 29 HOLIDAY

Tuesday Aug 30. When monday falls on a holiday, the ceremonies will be done the next day. So Tuesday may flag ceremonies. Hindi ako late sa biometrics dahil 7:58 ako dumating pero dahil may flag ceremonies late ako dun sa ceremonies. Welll after the ceremonies dumeretso kami sa canteen para mag breakfast. Then pagkatapos namin kumain, kinuha na namin ni julius yung mga natitirang evaluation sheets at nag Tally na kami buong hapon. Buti nalang bago mag 5pm ay natapos na namin lahat lahat ng kelangan itally.

Wednesday, Hindi ako late, another day at buti hindi na kami mag tatally pa. so buong maghapon wala kaming masyadong ginawa hanggang mag 5pm na.

Thursday, NEW month again so probably this will be our last month in OJT. so to start our last month, wala kami masyadong ginawa buong maghapon pero nag ayos lang ako ng onti sa system namin at wala naman significannt ang nangyare nagyon araw na to.

FRIDAY. Sept 2. Albay Day.

10th Week of OJT

Aug 22-26
3 DAYS in a WEEK ONLY.

Monday, Hindi ako late at nakapag flag ceremony ako on time.... later on, bumalik na muna kami sa office then bumaba kami sa canteen para mag breakfast. pagkatapos balik ulit kami at wala kaming masyadoong ginagawa. sa labas kami nag lunch at balik nalang before mag 1 para hindi late sa biometrics... buong hapon wala kaming nagawang maayos at nag out na kami ng 5.

TUESDAY. HARD Day. dahil ilang araw na man lang kami wala pinapagawa, napag utusan tuloy kaminng 2 ni Julius na mag Tally nung Evalutaion sheets dun sa seminars na pig conduct ng Deped. so AKALA namin madali lang.. yun pala ANG DAMI! since last year pa yung ibang seminar, ngayon lang pinag compute... so kumuha na muna kami ni juls ng onting batches of papers then nag tally na kami dun sa office nalang namin para walang ibang tao at kami kami lang. SOBRANG hirap pala mag tally at count ng Disagree and Agree at nakakaduling. so buong mag hapot onting batch lang nagawa namin at babalikan nalang namin next office namin.

WEDNESDAY and THURSDAY. nasa BU kami BUSY for INTRAMS.

FRIDAY, kahit intrams pa pumasok ako dahil tapos na rin ang game ko so binalikan ko yung tatally namin. so SOLO flight ako sa pag tally ng evaluation sheets at onti lang nagawa ko so next week nalang yung iba. hanggang mag 5 pm na at nag flag retreat na.

9th Week of OJT

Aug 15-19

New week again. NO LATE WEEK!!! :) 

Monday, Hindi ako LATE!!! maaga ako damating ng office. in fact, 7:40am palang nakapag time in nako at pumunta nako ng office. Dahil Monday meron flag ceremony, nag whistle na yung gaurd at bumaba na kami. So After the ceremonies, deretso kami ng canteen para mag breakfast... then balik ulit office. nag ayos kami ng system at nag gawa kami ng ilang pages sa system hanggang dumating ang 5pm at nag out na kami.

Tuesday, Hindi ako late at maaga ulet ako! hahaha. :) 7:45 nasa office nako.. maaga ako dumating at medyo wala naman kaming ginawa masyado kaya nakatulog ulet ako ng ilang minutes.. napaka boring at wala nanaman net... pawala wala kasi yung connections. su nag hintay kami upto 5 para makapag out.

by wednesday, Suot ko ang aking DepEd Polo shirt at hindi ako late. inayos namin yung system ng onti lng at may mga oras na wala kaming magawa hanggang nag 5pm na. by

Thursday, dahil 2 na yung Poloshirt ko na may pring ng DepEd, nag suot ulit ako non. duating ako sa office ng 7:50. nagkwentuhan lng kami buong maghapon at wala kaming nagawa. kain at kwentuhan lng. nasayang yung araw namin.

Friday na at TGIF! 8:00am sakto ako dumating ng office. atleast Hindi ako late... naga civillian ako dahil wash day. nag ayos ulet kami ng system pero mga 10am na. wala naman kaming masydaong ginawa at kumain lng kami ng kain ng snacks. dumating na ang 4:50 nag whistle na yung gaurd at maga flag retreat na kami dahil friday then after nun nag out na kami.

Saturday, October 1, 2016

8th WEEK of OJT

Aug 8-12

Another week again of OJT.

Okay. Monday, Walang bago. LATE nanaman ako. dumating ako ng 8:05 am so kahit may flag ceremony, late talaga ako sa 8:00 am. so yung 5 mins hindi pwedeng bayaran sa pag out dahil pag Monday, Walang Grace period. So after the ceremonies balik nanaman sa office then buong maghapon wala naman kaming masyadong ginawa. Nag Ayos kami ng system pero onti lng yunng ginalaw namin.

By Tuesday hindi ako late pero nakapag in ako ng malapit na sa 8:00am. Sa office, dahil boring nag Online nalang kami pangpalipas ng oras hanggang sa maga 5pm na pala so nag out na kami.

By Wednesday, Late ako sa Office ng 3 mins. so nag Out ako ng 5:03pm para mabayaran yung late na oras..... Wala naman kaming masyadong ginawa at naka online lng kami mmaghapon.

Thursday, sinuot ko na yung poloshirt namin with matching DepEd print. nagmumukha na kaming empleyado. hahahaha. Nakasuot nga kami pero sa loob ng office wala naman kaming masyadong ginawa. hahahaha.

Friday, Civillian day, wala naman kaming masyadong ginawa, at nagpara online lng kami.... TGIF

7the WEEK of OJT

Aug. 1-5

New Month! New Week! New Day! Nothing New. 

Monday. Hindi naman ako Late na dumating sa office pero Dahil Monday, may flag ceremony nanaman, so Late ako sa flag ceremony. After nun Buong maghapon wala namn kaming masyadong ginawa.
By tuesday, hindi naman ako late. Inayos namin lahat ng Requirements na kailangan para sa kinabukasan dahil Proposal Defense namin. so Inayos namin yung powerpoint at mga diagram at initial designs. dati ng gawa yun pero pinag sama sama na namin.
By Wednesday Absent kami sa OJT dahil Day of Proposal Defense.
Thursday, Dinaanan ako ni Mark ng motor sa bahay at sumakay na ako sakanya, sa Kasamaang Palad, Nadakip kami at naticketan dahil Backride with no Helmet. hehe. Multa nanaman. pero Hindi naman kami late dahil 7:45 palang nasa DepEd na kami. buong day nagkwentuhan lng kami dahil hindi kami naka Move On sa Proposal Defense. and
Friday wala naman masyadong ginawa at inayos at nag isip na kami ng mga pinapadagdag ng Panel.

6th WEEK of OJT.

July 25-29.

Monday nun at LATE nanaman ako sa flag ceremony pero hndi namna ako late sa 8:00am. 7:56am ako nag in at nag start na ang flagceremony. After the ceremony wala naman kaming masyadong ginawa buong maghapon. Tuesday, LATE nanaman ako! 8:09 ako nag in pero okay lng dahil nasa grace period naman ako so pag out ng lunch nag out nako ng 12:09. halfday lang kami nung tuesday. By Wednesday hindi naman ako late pero Exact 8:00am ako nag in. buti naman at hindi pa ako late. at buong maghapon nag ayos kami ng sa thesis namin at ginawa yung system. By Thursday hindi ako late ng 1 minute dahil 7:59 ako nakapag in. Meron din naman akong ibang trabaho na ginawa at nag compute nung mga dtr kasi nagpatulong si ate abby dahil deadline na nila sa sabado. so ako dahil mabait naman ako, tinulungan ko siya at nag compute ako. linibre naman niya kami ng snack kaya okay lang. BY Friday late ako ng 3mins! 8:03 ako nag in at sa umaga may ginawa ulet ako then sa buong hapon halos wla naman ginawa sa office

5th WEEK OF OJT (free week)

july 18

Today is monday again. so Flag Ceremony again. Maaga nanaman nag start yung flag ceremony pero hindi ako late. so after nun bumalik na kami sa office area namin. tapos medyo boring nun. so maraming lan wires na naka puslot so ginawa ko. pig try ko isa isa. halos lahat hindi naman pala gumagana pero may isa sa kabilang side ng room na pig try ko medyo malayo samin tapos yun! gumagana sya. then buti nlng mahaba yung extend kaya umabot sa mesa. so buong mag hapon nagpa internet  lng kami. nag out kami ng 5.

july 19. 

Good day! dumating ako sa DEPED ng 8:00 am sakto at para ma abot yung 8 sakot tumakbo na ako papasok. hay salamat at hindi pa rin late. buti nalang at naabot ko yung 8. so dahil may internet. nakachat ko sii mam abegail na dun nagtratrabaho sa personnel. yun yung lagi namin kausap pag may kailangan kami regarding sa papers like MOA, etc. nagpasa rin kami ng PDS at bio data. binibiro ko siya na ilibre kami nung hapon so medyo papilit na style tapos galante pala siya. so yun. linibre kami ng bihon at cheese sticks sa canteen. nakakahiya pero okay lng bagets pa man si mam. kaso may anak na at asawa. 19 yrs old pala sya nagka anak. so yun. share lng. hahaha. pero ang bait bait ni mam abegail. medyo masayahin din at nagkaka usapan kami lagi.... at dumating yung 5pm nag out na kami.

july 20.

Late day! BUT within Grace period pa rin. hehe. Medyo late ako dumating ng 2 mins sa DepEd. nag sign in ako ng 8:02am ng umaga. buti nalang at nasa grace period pa yun. so after nun, pumunta nako sa office area namin. tapos nakaka chat namin yung isang babae sa personnel admin division. medyo lagi na kami nun nag usuap or chat. yun din yung nanglibre samin. may na chismis siya samin dito sa Working Place namin. may NAMATAY daw na empleyado dati dito mismo sa office na working area namin. kaso hindi na man samin na sinabi kung ano kinamatay.... then yun. buong hapon wala naman kaming masyadong ginawa at nag out ako ng 5:02pm para mabayadan yung late within the grace period....

July 21. 


Thursday/ DEPED ANNIVERSARY.
HAPPY ANNIVERSARY DEPED! Today. early ako pumnta ng office. naka civillian kaming 4 dahil wala namang trabaho. before mag start ang celebration, meron munang Misa 8:30am. so nag attend naman kami. Pagkatapos nun merong snack


. so busog agad kami. tapos meron din naman na opening program. may mga sumayaw etc. after nun, merong pa games. sumali naman kami kasi kami na magprepresent ng division namin. tapos hindi kami nanalo! haha. naka ilang games kami tapos hindi kami nanalo..  Well, after ng games.. nag Lunch na kami. Sobrang sarap nung lunch dahil may catering. bwahaha. After namin mag lunch bumalik kami sa room office namin para magpahinga... then mga 1:30 nagpatawag nanaman para bumalik daw sa function hall dahil meroong lecture pagka hapon. syempre punta naman kaming 4. after ng ilang oras umalis si carlo at mark, sabi tataas na daw at babalik sa office namin.. yun pala matutuog lng.. hahaha. kami function hall lng ni julius. syempre dahil andun kami kami nauna kumuha ng snacks... hehe. after non bumalik na rin kami sa office.. then pagka 5pm nag out na kami at hindi na nag attend ng evening program.

July 22, Friday

Last day of the week! ngayong araw, dahil wash day dito sa deped, sinuot ko na yung pina print namin kay carl na shirt na may logo ng DepEd. ako lng muna yung sumuot saming 4 dahil tapos na malagyan ng print sakin. buong maghapon onti lang naman yunng ginawa namin hanggang may flag retreat at nag out kami ng saktong 5pm.

4TH WEEK OF OJT

July 11-15


OKAY! Another week again of ojt. MONDAY-> well, hindi naman ako late sa araw na yon dahil dumating ako ng DEPED before mag 8 pero dahil monday, may flag ceremony. so medyo maaga nag start yung flag ceremony.. so pagdating ko ng 7:57am, naga start na. so after the ceremonies, pumunta na kami sa working area namin.  nag ayos kami ng mga bugs sa system namin at buong hapon medyo onti lng work namin.

TUESDAY. This day is another day. wala kaming masyadong ginawa this day. onti lng yung ginalaw namin sa system at buong araw kami nagkwekwentuhan lng. hindi na kami nag picture picture at video dahil nakakasawa na.

WEDNESDAY-> medyo nabadtrip ako sa araw nato dahil umaga plng na 4am nagchat na si mark na maga absent daw kami wholeday dahil sa umaga GA ng circuits at may excuse letter naman at sa hapon eh may Event yung USC na CIRQUE. so hindi na kami nag report ng araw na to sa DEPED at buong maghapon kaming nasa bu.

THURSDAY. This day is Happy day Dahil Nakuha na namin yung MOA na pirmado na ng DEPED at ng BU. so NOTARY nalanga ng kulang. this day din tinawag kami sa kabilang room. may ipapagawa raw. yun pala magpapadesign so dahil magaling si carlo mag design. siya nalang pina punta namin so AKO nalang yung nag CODE ng system namin.

FRIDAY-> TGIF. this day. ginagawa pa rin ni carlo yung pinapagawa design sakanya so ako nag ayos ng LOGIN at PROCESS ng system namin. wala naman kami masyadong ginawa buong araw at saktong 5 kami nag out.