Sunday, July 24, 2016

3RD WEEK OF OJT


July 4 - 8


Hello! This week is just as ordinary week. On Monday, pumunta ako sa office at dumating ng 7:57am. dahil monday, meron kaming flag ceremony at pagdating ko. Kakastart palang ng Flag Ceremony. so late sa flag ceremony pero hindi sa attendance dahil hanggang 8:00 am pa naman. wala man kaming masyadong ginawa at nag code yung programer at nag ayos kami ng ibang files.

Nung Tuesday naman hindi ako late at pagdating ko sa office nag punta ako ng canteen para mag breakfast dahil umaalis ako ng bahay ng hindi kumakain. then after kumain bumalik na kami sa office para gawin yung system. 

Nung Wednesday ay walang OJT dahil non-working holiday. 

Thursday, hindi ako late at maaga akong dumating sa office as usual, hindi ako kumain pag alis ng bahay s breakfast uulit ako sa canteen. then sa nag lunch kami ng 10:30am tapos mga 10:45 lumabas kami ng office. nag pa pirma kami ng locator slip dahil pupunta kami ni mark sa BU para kunin sa PA namin na si mam joy yung mga papers na pinasa namin at ma revise. nakabalik kami ni mark ng office before ng 1pm. sa hapon wala naman kaming masyadong ginawa. 

FRIDAY, Hindi ako late dumating sa office. ginawa namin yung mga pinarerevise, pinadadagdag sa database at edit ng mga diagrams na pinapagawa ng PA namin.... at bago mag out dahil Friday, nag Flag retreat ceremony kami bago mag 5:00pm then nag out na.

Wednesday, July 6, 2016

2ND WEEK OF OJT!

June 27, Monday


            Very very Good Day! Hindi ako Late sa Office in fact maaga ako dumating. I HOPE na sana this week maaga ako everyday at hindi na malate sa pagpasok ng office. Pagdating ko, pahinga muna saglit and kain ng mani. Nagdala si Carlo ng Pili so kinain namin. Inayos na namin yung mga kailangan at nag edit ng user interface.... naglunch kami ng mga 11:30 at nag out ng 12:00. then Pumunta kami ni Mark sa BU Para mag follow up ng Revised MOA. pagdating namin wala raw si Atty. pati si Pres. next week daw si Pres babalik sa BU. Kainis, Nasayang yung effort ko magdrive ng motor tapos ang init init pa. ka Stress.. hahaha. bumalik na kami sa DepEd and before mag 1pm nakapag Time in naman ulet kami. IN the Afternoon, yung programmer namin , ginagawa na yung system at ako ay naka upo lng at walang magawa... hanggang ng 5pm.


June 28, Tuesday


            Hello! This is another day... Hindi ako late. :) Pagdating ko ng office nandun na yung 3 si carlo, mark at julius. Nagdala pala ng tinapay si Carlo, at nagdala ng Palaman si Mark. so Nagbreakfast muna kami before mag work. Past 9:00am pumuunta si Sir namin saamin. nagcheck ng progress about sa ginagawa naming system. Nag discuss din ng ibang topics at nakipag usap din. Nagkwento na dapat daw agtake kami ng NC4 exam para sa programming. advantage daw sa pag aapply  ng trabaho. After approx an hour umalis na si sir at kami nanaman ang natira sa room. So gawa gawa kami ng mga dapat gawin. nag lunch ulet kami ng 11:30 at nag out ng 12 noon. Habang Lunch Time. nag ambagan kami para bumili ng pagkain sa express mart. nung maka ipon na ng pera, dali dali akong nag drive ng motor pa Expressmart sa may mariners dito lng sa Rawis. buti nalang hindi pako naabutan ng 1pm para makapag time in. IN the afternoon, wala naman kaming masyadong ginawa so nag video nalang kami ng sarili namin.


June 29, Wednesday


              A Bad Luck Day! Hindi ako Late ngayong araw pero bad luck pa rin. so here is my day.... In the morning, pagdating ng office wala akong magawa at nag ayos nlng ng ipapasa mamaya kay mam Joy na PA namin. mga past 9 pumunta na kami ng canteen para magpareserve ng ulam. nag lunch kami ng 11:30. sa Canteen pagkatapos namin kumain, NAKABASAG AKO NG BASO!! -_- nabitawan ko kasi si mark binunggo ako sa likod habang kumukuha ng baso, buti nalang mabait uyung sa canteen at hindi nako pinabayad pa ng baso. 12:04 pumunta kami ng BU para ipasa kay Mam Joy yung, Gantt chart, erd, diagrams at iba pa. buti nalang nakabalik kami agad at naka time in on time. sa hapon nakatulog ng ilang minutes kasi sumakit ulo ko. buti nalang ata nawala din yung sakit ng ulo ko.











June 30, Thursday

        This is another day. Hindi ako late ngayong araw. Wala naman kaming masyadong ginawa this day and nag code pa rin yung programmer namin... medyo sa may aircon kami pumwesto dahil sobrang init ng araw na to. nakakasakit ng ulo yung init kahit sa aircon nakatapat dahil malaki yung room at 1 aircon lng ang lumalamig. So a usual day, lunch kami sa canteen at nag dala nako ng tumbler para hindi nako gumamit ng baso para hindi ko na  mabasag. Nag out kami ng saktong 5.



July 1, Fiday

        First day of the Month and First friday of the month! maaga akong dumating sa office at hindi ako late. Dahil 1st Friday, meron MASS na gaganapin ngayong umaga. by 8:30 nag attend kami ng mass. after noon balik kami office and punta na canteen para magpa reserve ng pagkain.On this day. nakuha na rin namin ang aming DTR! yehey! pinapirmahan na namin sa aming Adviser at pinirmahan na rin namin!